Sumali sa taco eating contest namatay

FRESNO, California —  Isang lalaki na kalahok sa taco eating contest sa isang minor league baseball game ang namatay.

Si Dana Hutchings, 41, ng Fresno, ay namatay sa ospital, ayon kay Fresno Sheriff spokesman Tony Botti.

Hindi malinaw kung namatay ang lalaki dahil sa pagkain nito ng taco o kung ilang taco ang kanyang nakain.

Pinayagan ang mga amateur na sumali sa World Taco Eating Championship sa Taco Truck Throwdown ng Fresno.

Noong nakaraang taon, si Geoffrey Esper ay nakakain ng 73 taco sa loob ng walong minuto.

Read more...