Khalil Ramos pangarap ding maging direktor; happy kay Gabbi

KHALIL RAMOS AT GABBI GARCIA

Walang romance angle ang unang pagsasama nina Andrea Brilliantes at Khalil Ramos sa horror movie na “The Ghosting” under Reality Entertainment.

Lalabas na protector ni Andrea si Khalil upang iligtas siya sa kampon ng kadiliman kaya hindi dapat mag-alala ang girlfriend ng young actor na si Gabbi Garcia.

Sa totoo lang, singing ang unang pinasok ni Khalil nang mapunta siya sa showbiz. ‘Yun nga lang, tila nabago ang ihip ng hangin dahil mas napapansin siya ngayon sa pag-arte.

Bukod kasi sa nasabing horror film, natapos na rin niya ang romance-drama movie na “LSS (Last Song Syndrome) kasama ang kanyang girlfriend na si Gabbi.

Sa mediacon ng “The Ghosting” sinabi ni Khalil na si Gabbi pa nga ang nag-uudyok sa kanyang balikan ang pagkanta na siya naman niyang ginagawa ngayon.

Bukod sa pag-arte, nagbabalak din siyang magdirek sa pelikula soon.

Eh, kumusta naman ang relasyon nila ng Kapuso actresss? “We’re both happy!” tugon ni Khalil. Low profile ang love affair nila kaya tahimik lang ang kanilang pagsasama na mas gusto nga ni Khalil para iwas intriga.

Read more...