Beauty products na ineendorso ng kilalang aktres nilalangaw

Mahina pala sa merkado ang beauty products na ineendorso ng kilalang aktres base sa kuwento ng staff na kunektado sa negosyo.

Ang kuwento sa amin, “Nu’ng unang labas po, malakas kasi talagang nag-soldout pa, pero sa second delivery na, hindi na as in wala nang bawas kasi sabi nu’ng mga nakabili at nag-post pa yata sila sa social media na hindi bagay ‘yung make-up sa bansa natin na tropical.

“Pang ibang bansa ‘yung tipo ng make-up kasi nalulusaw agad tapos nagkaroon ‘yung ina ng skin rashes.

Ngayon po may pinag-aaralan po kaming bagong product with chemist po.”

Pawang malalaking artista ang kinukuhang endorser ngayon para sa beauty products dahil ang target market ay ang fans kaya kahit na hindi bagay basta masabing nakabili ng produktong ginagamit ng idol nila ay masaya na.

Ang hindi alam ng ibang fans ay hindi naman ito ginagamit ng kanilang mga idolo. As of now, nananatiling malakas sa merkado ang Vice Cosmetics ni Vice Ganda.

Read more...