‘Imposible pang magka-part 2 ang pelikula ng KathDen’

DANIEL PADILLA, KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

KUNG isusuma ang kinita sa Pilipinas ng “Hello, Love, Goodbye” at ang hinamig nito sa international screenings, aabot na ito sa mahigit P700 million.

Umabot na sa P603,015,830 ang kinita ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Pilipinas habang $2,132,000 ang gross nito sa iba’t ibang bansa as of Aug. 16.

At dahil malakas pa rin ang “HLG” ay posibleng abutan na nito ang kinita ng “The Hows of Us” nina Kathryn at Daniel Padilla na umabot sa P915 million base sa mga post ng ilang supporters ng KathNiel.

Ang dalawang pelikula ay parehong idinirek ni Cathy Garcia-Molina for Star Cinema kaya posibleng siya rin ang sumira sa sariling record.

Kaya pala sa ilang showbiz events na dinaluhan namin ay pinag-uusapan na malaking pressure raw ito kay Daniel dahil posibleng mabura na ng “HLG” ang record ng “THOU”.

Para sa amin ay hindi dapat ma-pressure si Daniel dahil unang-una sa estado niya ngayon siguradong ile-level up na rin siya ng ABS-CBN/Star Cinema. Sa katunayan, kasado na ang next movie project niya kasama ang dating Presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos Concio.

At isa pa, si Alden ay nakakaisang hit movie palang kumpara kay Daniel na sunud-sunod ang hits sa takilya. Ang totoo, nasa Pambansang Bae ang pressure dahil kailangan niyang
i-maintain ang estado niya ngayon in terms of box office-record.

Kaya nga nagpahaging si Alden na sana’y may sequel o part two ang pelikula nila ni Kathryn kasi nga kailangan niyang patunayan na bankable na rin siya as a movie
actor.

Ang dinig namin sa ngayon ay wala pang plano dahil sa pagkakaalam namin, last two movies na lang si Direk Cathy dahil tuloy na ang indefinite leave niya at balak na niyang manirahan sa New Zealand.

Masuwerte na lang kung within five years ay babalik na si direk Cathy dahil baka mainit-init pa rin si Alden that time, pero kung pagkalipas ng 10 years, e, baka kasal na sina Daniel at Kathryn, so hindi na magiging maganda ang pagbabalik ng tambalang Alden at Kath.

Samantala, hiningan namin ng reaskyon ang isa sa namumuno ng KathNiel KaDreamers na si Agot Sison sakaling maabutan o malagpasan na ng “HLG” ang kita ng “THOU.”

Masaya raw sila for Kathryn dahil napatunayan na ng dalaga ang kanyang box-office appeal, “Iba po talaga ang impluwensya ni CGM (direk Cathy) kay Kathryn, nailalabas ni Kath ‘yung iba pang galing niya pagdating sa acting.”

“Pero kung sasabihin na malaking epekto ‘to Kay Daniel, hindi naman po siguro, dahil ultimo si Daniel ay sinusuportahan n’ya si Kathryn,” paliwanag sa amin.

Read more...