Tagyawat sa ilong…pati sa pisngi

PIMPLES! pimples! Nakakainis, nawala ang kinis! Pangit ang itsura, nakakahiya! Mapula, hindi mawala-wala! Masakit!
BAKEEET??
Pinakamaliit nguni’t pinaka-makulit na problema sa balat ng lupa.
Lahat ng tao ay dumaan at dadaan sa ganitong karanasan, walang pinipiling edad, kasarian at katayuan sa buhay.
Sakit ito sa balat nguni’t ang mga sanhi nito ay mas malalim pa sa nakikita.
Sa usaping pisikal, tunghayan natin ang lahat ng dahilan na nagdadala ng tagyawat.
Ang balat ng tao ay karaniwang napapalitan kada buwan. Ito ang pinakamalaking “organ” sa katawan. Kailangan na malusog ito dahil ito’y panangga sa pagpasok ng mga mikrobyo, depensa ng katawan sa epekto ng “external environment”, at kasama ito sa “immune system” natin.
Ginagamit ito sa “sensation” o pakiramdamdam (pressure, touch, temperature, vibration and injury-pain). Nagko-kontrol nito ang paglabas ng tubig sa katawan pati na rin ang pag-ipon ng tubig at oily fluids sa mismong balat at sa loob ng katawan. Pwede rin pumasok sa balat ang mga “gases” gaya ng oxygen, nitrogen at carbon dioxide. Kaya mahalaga na malusog ang balat at buo ang integridad nito para manatili ang “functionality” nito. Mayroong “skin appendages” na gaya ng “Sebaceous glands” sa puno ng mga “hair follicles” na gumagawa ng “oils” para ang balat ay maging malambot.
Ang “pimple” ay sakit sa balat na nag-uumpisa sa pagbabara ng “oil glands” na ito. Kung minsan ang tawag natin dito ay “Blackheads” o “Whiteheads” at “Papules (tigidig)”. Ang mga nakakabara ay ang “dead skin cells”, sebo, at pati buhok na nag-pipigil sa paglabas ng sebo galing sa “sebaceous glands”.
Kapag pinasok ito ng mikrobyo, nagiging impeksyon ito at lalong lumalala ang pagbara habang palala din ang pamamaga. Minsan ang tagyawat ay may nana (Pustules). Posibleng lumala ang impeksyon na nagdudulot ng malalim na peklat kapag ito ay gumaling.
Ang “Androgen” ay “hormone” sa katawan na may kinalaman sa paglaki ng “oil glands”. Mataas ang antas nito kapag nagbibinata o nagdadalaga ang isang tao.
May kinalaman din ang pagkain na mataas ang “fats at carbohydrates”. Ang kalinisan ay malaking bagay sa pagkakaroon ng “pimple”.
Ang “Stress” ay napakalakas magdulot ng tagyawat, gaya ng kakulangan sa pagtulog o sobrang pag-iisip dahil sa problema.
Paano maiiwasan ang tagyawat?
Sa pamamagitan ng pagsulong ng kalinisan sa balat, pag-iwas sa “fatty and oily foods”, pag-iwas sa katabaan, pagtulog ng sapat, pag-inom ng maraming tubig, pag-ehersisyo, pag-iwas sa “stress” at pagpapatawad.
LINISIN ang balat ng 5% BENZOYL PEROXIDE wash umaga at hapon, pagkatapos ay punasan ng 5% Benzoyl Peroxide Cream. Sa gabi, maglagay ng SULFUR CREAM sa mismong tagihawat. Madalas kinakailangan na gumamit ng antibiotics para sa impeksyon. Minsan naman ay gagamit din ng cortisone injections. Nandyan parati ang Retinoids para tumulong.
Marami pang pwedeng gamitin na gamot nguni’t depende na sa kung gaano kalala ang pimple, ang DERMATOLOGIST ang mas nakakaalam tungkol dito.
Pinakamahalaga ay huwag gumawa at iwasan ang “STRESS”.
“If you’re stressed, you get pimples, if you’re worried, you get wrinkles, if you smile, you get dimples”-Anonymous

Read more...