Balik-Japan ba?

Sulat mula kay Joanna Purok 1, Camague, Iligan City Dear Sir Greenfield, Dati na akong nag-Japan at nakapagtrabaho ako doon sa isang factory. Kaya lang napauwi  ako kasi na-expired ang visa ko. Sa ngayon, balak kong bumalik uli sa tulong ng aking bayaw na isang Hapon. Kaya lang  mag-iisang taon na akong nag-aayos ng papeles hanggang ngayon di pa rin ako nakakakuha ng visa. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya akong makabalik ng Japan at muling magkaroon ng magandang trabaho doon? Umaasa, Joanna ng Iligan City    Solusyon/Analysis: Palmistry:    May malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin basta’t magtiyaga-tiyaga ka lang at wag magsasawang mag-follow-up ng iyong mga papeles, darating ang takdang panahaon mare-relase rin ang visa mo at maluwalhati kang makakabalik sa Japan. Cartomancy: Queen of Diamonds, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1). Ang mga baraha ang naglalarawan ng susunod na mga pangyayari: “Makapagdya-Japan kang muli sa tulong ng isang lalaking mas matanda at mas may edad sa iyo at ang nasabing pagdya-Japan ay nakatakdang maganap sa ikasiyam na buwan ng taon ding ito ng 2013.”

Itutuloy

Read more...