Janella na-pressure sa pagiging Himig Handog 2019 interpreter | Bandera

Janella na-pressure sa pagiging Himig Handog 2019 interpreter

Alex Brosas - August 17, 2019 - 01:15 AM

JANELLA SALVADOR

Kahit interpreter lang si Janella Salvador ng “Nung Tayo Pa” written by Rex Torremoro and Elmar Jann Bolaño for Himig Handog 2019 ay may pressure pala siyang naramdaman.

“Totoo ‘yung pressure kasi sa totoo lang hindi naman namin competition ito. Competition talaga ng songwriter ito. So, ‘yung pressure sa amin is mai-interpret ko ba ito, ‘yung full extent ng kanta?

Magagawa ko ba ang best ko na magugustuhan ng nagsulat at saka ng mga tao para marinig nila ang kanta kung paano nila dapat marinig,” she explained.

May nakapansin kay Janella na nag-iiba ang boses niya sa tuwing may ini-interpret siyang kanta for Himig Handog. What was her reaction?

“Different ba? Feeling ko kasi itong kanta na in-offer sa akin this time it’s very different. First break-up song ko siya. Second, parang medyo ballad, heartfelt.

“So, sabi ko masaya naman ako habang kinakanta ko siya pero parang dapat kong maramdaman ang pain habang kinakanta ko siya. So ang ginawa ko, ninamnam ko ang kanta habang nire-record ko siya. Hindi ko naman na-realize na iba ‘yung boses ko,” she added.

Ang mananalo sa Himig Handog 2019 ay makakatanggap ng isang milyong piso, habang ang ikalawa, ikatlo, ikaapat at ikalimang pwesto naman ay makakakuha ng P500,000, P200,000, P150,000, at P100,000 premyo. Abangan ang grand finals ng kompetisyon live sa ASAP Natin ‘To ngayong Oct. 13.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending