Eddie Badeo pumanaw na sa edad 57

EDDIE BADEO

Pumanaw na ang sikat na fashion designer na si Eddie Baddeo. Siya ay 57 years old.

Mismong ang long-time partner niyang si Edgar Medina ang nagbahagi ng malungkot na balita sa kanyang Facebook page. Aniya, sumakabilang-buhay ang designer 1:40 a.m. kahapon.

Nag-post din ang model-actress na si Marina Benipayo, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Eddie, sa kanyang Instagram account ng kanyang pakikiramay sa mga naulila ng designer, “Rest in God’s loving arms, our dear Eddie Baddeo. You will be missed,” aniya.

Nakilala nang husto ang galing ni Eddie Badeo sa pagde-design ng iba’t ibang uri ng kasuotan noong dekada ’80 lalo na ang kanyang mga creative creations gamit ang CDs at venetian blinds.

Nitong nakaraang July, nagdiwang siya ng kanyang 33rd year sa fashion industry. Na-diagnose si Eddie Baddeo ng stage 2 colorectal cancer noong 2016.

Read more...