Kris kay Gabby: Attractive rin ako! nagandahan ka rin sa akin noon!

KRIS AQUINO AT GABBY CONCEPCION

NGAYON pa lang ay abangers na ang fans and supporters ni Kris Aquino sa kanyang 2019 Metro Manila Film Festival na “(K)Ampon”.

Mas naging excited pa sila nang malamang si Gabby Concepcion ang makakatambal ni Kris sa movie matapos nga itong tanggihan ni Derek Ramsay.

Viral na ngayon sa social media ang video ni Kris kung saan binisita niya si Gabby sa first day shooting ng “(K)ampon.” Dito nagkaroon ng instant talk show ang Queen of All Media at talagang na-on the spot niya si Gabby.

“I’m not part of the scene but I had to come just to say thank you. Wala pong malisya yan, ha, yung mga ShaGab fans, huwag kayong magalit sa akin.

“I just had to say thank you dahil talagang this movie would not be happening had he not said yes,” chika ni Kris.

Inamin ng TV host-actress na talagang naadik din siya sa panonood ng serye noon ni Gabby sa GMA, ang Ika-6 Na Utos with Sunshine Dizon and Ryza Cenon. Naging kontrobersyal ang programa dahil sa tema ng kabitan at sa mga nakakalokang catfights ng mga bida.

“The one we really made subaybay was Ika-6 Na Utos. They were really obsessed. Nag-relate ako doon kasi naintindihan ko din naman talaga na ang mga lalaki, minsan may kahinahan sa tukso. Parang ikaw!” ani Tetay.

Hirit naman sa kanya ni Gabo, “Marami akong role na nagagawang ganu’n kaya sanay na ako!”

Sey pa ni Kris, “I would also think na it takes two to tango. Pwede naman may manukso pero it’s up to you kung tatanggi ka o hindi.”

May tema rin ng lokohan ang MMFF 2019 entry nila ni Gabby, “What was it knowing na you fooled around here, ha. That’s the whole story, ha. The whole premise of this movie is nagkamali ka, may nabuo, nag-suffer ako.”

Singit naman ni Gabby, “May nangyari kasi prior to us actually. So noong nagkita na uli, hindi ko alam na nabuo,” patikim pa ng Kapuso actor tungkol sa “(K)Ampon”.

Paliwanag pa ni Tetay, “Ako naman kasi, without revealing too much, I would like to make it clear that what attracted me to this is that sometimes, in marriage, you also develop a friendship.

“Kasi sometimes, ang dalas kasi nating naririnig na we’re together because of the kids. But sometimes, you do say together because best friends na kayo and I think yun yung naging relationship ni Clark at ni Grace (roles nila sa movie).

“At yun din ang mata-tackle natin dito na there are many forms of love and there are many types of marriages.

“But along the way, kaya nga siya tinawag na (K)ampon at kaya nga naging horror ito dahil malalaman ninyo kung ano yung pinagdaanan at pinagbayaran nilang dalawa nang dahil sa isang gabing pagkakamali.

Kaya warning na yan sa inyong mga lalaki!” pahayag pa ni Kris.

Hirit ni Gabby, “Parang yung Ika-6 Na Utos lang, may mga pagkakamali, yun ang horror doon.”

At dahil bumalik sa usapang Ika-6 Na Utos biglang binalikan ni Kris ang isang eksena sa serye, “It was so unfair what you did when you were in… was that in Tagaytay, whatever, then she suddenly showed up!”

“Galit na galit ako doon talaga kasi she was so kawawa iniwan mo tapos you went off to meet someone else. Nanggigil lang ako doon talaga kasi kawawa, e, di ba, si Sunshine!” chika pa ng TV host.

Tanong naman ni Gabby kay Kris, “Bakit sila nakaka-relate?” Sagot ni Tetay ng, “Kasi may nagmamahal talaga ng totoo and you know why you became so lovable, because you loved her even when she wasn’t attractive, tapos niloko mo kaya na-hurt ako!”

“Manang” kasi si Sunshine sa serye at nag-effort na magkapaseksi bilang part ng kanyang pag-move on, kaya tanong ni Gabby kay Tetay, “Nakaka-relate ka dahil sa role ni Sunshine.”

“I’ve always been attractive! Gabby, nagandahan ka sa akin at some point in your life. At some point in your life, nagandahan ka sa akin in the past!” tawa nang tawang sey pa ni Kris. (Update: Sa latest Instagram post ni Kris, nagkaroon ng issue ang pagkuha kay Gabby Concepcion para sa (K)Ampon. May posibilidad na ma-disqualify ang pelikula sa 2019 MMFF. Para sa detalye, mag-log on sa InquirerBandera website.)

Read more...