MARAMING ginulat si Sunshine Cruz sa mga sagot niya kay Boy Abunda sa nakaraang episode ng Tonight with Boy Abunda. Dito, inisa-isa ang mga aktor binasted niya.
Binansagan noon ang aktres ng “Basted Queen” dahil sa dami ng mga male star na hindi niya sinagot.
“Basted! Ha-haha! Sorry (sabay peace sign)! Kaibigan ko ngayon ‘yung wife niya,” ang sagot ni Sunshine nang banggitin ng host na si Boy Abunda ang pangalan ni Joko Diaz.
Paliwanag pa ng aktres, “Ang nangyari kasi tito Boy hindi ko kasi priority (magdyowa) pero I had this friend who is also an actress na hindi ko na rin babanggitin kasi may pamilya na at ipinakilala ko kay Joko at ‘yun ang naging girlfriend niya.”
Basted din kay Sunshine ang mabentang leading man noong 80’s at 90’s na si Tonton Gutierrez, “Ano ba ito, nakakahiya kasi may mga pamilya na, eh. Pero katuwaan lang naman. Nagpa-tattoo pa siya ng pangalan before sa chest ng Sunshine.
“Kasi, ang sabi ko naman sa kanya, I’m only 17 when he courted me and I said, ‘sige I’m not going to entertain anyone sabi ko, ikaw na lang but you have to wait for the time that I answer. Kaya lang it’s not going to work out kasi sobra talaga akong busy and parang hindi pa ako ready magka-boyfriend,” kuwento ng aktres.
Isa ring lover boy noong kasagsagan ng That’s Entertainment si Keempee de Leon pero hindi rin pumasa kay Sunshine, “Basted! Four times siya nag-court before. Pero mabait, mababait sila (mga nabasted), it’s just me! I’m not ready.”
Ang tatay ni Dani Barretto na si Kier Legaspi ay hindi rin pumasa sa kay Shine. Pero nang banggitin na ang pangalan ni Raymart Santiago, “Puwede ko bang sabihin na sa lahat ng nanligaw sa akin, siya ‘yung pinakanagustuhan ko?”
“Oo, nag-away pa sila noon ni Keempee. Sabi ni Keempee, nauna akong manligaw. Sabi naman ni Raymart, ‘e, ikaw nga ‘yung naunang manligaw pero hindi ka pa naman sinasagot.’ So, puwede pa raw siyang manligaw,” saad ng aktres.
Anong mayroon si Raymart at siya ang nagustuhan ng mommy nina Samantha Angeline, Angel Franchesca at Angeline Isabel? “He’s very nice and a real gentleman. But I think parang medyo nainip si Raymart.”
Hanggang sa nabanggit na ng aktres na ang unang lalaki sa buhay niya ay ang dating asawang si Cesar Montano.
“Yung ex-husband ko, he’s really my first. My first boyfriend. Lagi ko kasing sinasabi before na ‘yes I did bold films, sexy films. But the only thing that I can preserve is ‘yung sarili ko kung sinuman ‘yung mapapangasawa ko and I’m proud to say na ibinigay ko yun sa tatay ng mga anak ko.”