Top two spot puntirya ng TIP Engineers

Mga Laro Lunes (Agosto 19)
(Ynares Sports Arena)
1:30 p.m. TIP vs Alberei
3:30 p.m. Asia’s Lashes vs Marinerong Pilipino
5:30 p.m. McDavid-La Salle Araneta vs Hyperwash

MASELYUHAN ang top two spot sa Group B ang asinta ng Technological Institute of the Philippines (TIP) Engineers sa pagsagupa nila sa Alberei sa 2019 PBA D-League Foundation Cup ngayong Lunes sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Hawak ang 4-1 kartada, hangad ng Engineers na tatapusin ang kanilang elimination round schedule na masungkit ang twice-to-beat advantage papasok sa quarterfinals.

“It’s going to be big for us,” sabi ni TIP head coach Potit de Vera, na ang koponan ay manggagaling sa 110-99 panalo kontra Black Mamba at asam na tapusin ang preliminaries na may three-game winning streak. “We want to have that momentum before going on a long break.”

Bagamat hindi magagamit ng TIP si Senegalese big man Papa Ndiaye, na nagpapagaling pa mula sa hamstring injury, sasandalan nila sina Russel Tan, Bryan Santos at GC Carurucan para iuwi ang panalo kontra Alberei sa kanilang ala-1:30 ng hapon na laro.

Samantala, hangad din ng Marinerong Pilipino Skippers (3-0) na makasikwat ng playoff spot sa kanilang alas-3:30 ng hapon na laro laban sa Asia’s Lashes Tomas Morato (2-1).

Nakinabang ang Skippers sa biglang pag-alis ng Nailtalk-St. Dominic Savio dahil hawak na nila ngayon ang 3-0 kartada sa Group A na naglapit sa kanila sa isang panalo para makausad sa playoff round.

Malaking tulong naman ang mga beteranong sina Eloy Poligrates at JR Alabanza pati na si Jhonard Clarito na nagsanib puwersa para sa Marinerong Pilipino para mauwi ang 91-82 panalo laban sa AMA Online Education noong Agosto 8.

Sa ikatlong laro ay magsasalpukan naman ang Hyperwash (1-2) at McDavid-La Salle Araneta (0-2) ganap na alas-5:30 ng hapon.

Read more...