2 hati sa P62M 6/42 jackpot

DALAWA ang maghahati sa P62 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office dalawa ang nakakuha sa winning number combination na 16-06-33-37-27-21.

Ang kanilang premyo ay babawasan ng 20 porsyentong buwis. Ang lahat ng panalo sa lotto na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng buwis.

Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 41 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P570 naman ang 1,539 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 24,803 mananaya na nakatatlong numero.

Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...