2 dakip sa P540K shabu

 

ARESTADO ang dalawang lalaki nang maaktuhang nagde-deliver ng P540,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Batangas City, Huwebes ng gabi.

Nadakip sina Ruel Casao, 47, at Warren Villena, 41, sa entrapment na isinagawa sa Brgy. Balagtas, pasado alas-7, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Nakumpiska sa dalawa, na kapwa sakay ng isang Toyota Corolla, ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na pawang mga nakasilid sa isang coin purse.

Dati na umanong nadakip ang dalawa para sa kasong may inalaman sa iligal na droga.

Read more...