Trak vs. van: Kawal patay, 2 pa sugatan

NASAWI ang isang sundalo habang dalawa pang tao ang nasugatan nang magsalpukan ang isang trak at van sa Gamu, Isabela, Biyernes ng umaga.

Dead on arrival sa ospital si SSgt. Magno Taguitag, 38, tubong Kalinga at miyembro ng Army, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.

Sugatan naman ang kasama ni Taguitag sa van na si Rommel Gamboa, 28, isa ring miyembro ng Army, pati ang driver ng trak na si Antonio Pero, 38.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Upi, dakong alas-4:30.

Minamaneho ni Taguitag ang van (RFV-729) patungo sa direksyon ng Naguilian, nang makasalpukan ang Isuzu aluminum wing van (RKV-591) na dala ni Pero.

Dinala sina Taguitag, Gamboa, at Pero sa Provincial Hospital sa Ilagan City, ngunit di na umabot nang buhay ang una.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang sanhi ng insidente, habang isinusulat ang istoryang ito.

Read more...