Veteran fashion designer Eddie Badeo pumanaw na

PUMANAW na ang sikat na fashion designer na si Eddie Baddeo. Siya ay 57 years old.

Mismong ang long-time partner niyang si  Edgar Medina ang nagbahagi ng malungkot na balita sa kanyang Facebook page. Aniya, sumakabilang-buhay ang designer 1:40 ng madaling araw kanina.

Nag-post din ang  model-actress na si Marina Benipayo, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Eddie, sa kanyang Instagram account ng kanyang pakikiramay sa mga naulila ng designer, “Rest in God’s loving arms, our dear Eddie Baddeo. You will be missed,” aniya.

Nakilala nang husto ang galing ni Eddie Badeo sa pagde-design ng iba’t ibang uri ng kasuotan noong dekada ’80 lalo na ang kanyang mga creative creations gamit ang CDs at venetian blinds.

Nitong nakaraang July, nagdiwang siya ng kanyang 33rd year safashion industry. Na-diagnose si Eddie Baddeo ng stage 2 colorectal cancer noong 2016. 

Ang huli niyang event ay ang Annual Best-Dressed Women of the Philippines Awards Ball ng Philippine Cancer Society noong 2018.

Nakatakda naman ang launching ng kanyang coffee table book sa gaganaping fashion show na “Obra Maestra” noong September 13 at 14, 2019 sa Cultural Center of the Philippines.

Read more...