Gabby payag nang makatambal uli si Sharon: Game na ‘ko!

GABBY CONCEPCION AT SHARON CUNETA

Kris Something has a new paandar. Nang dumalaw siya sa shooting ni Gabby Concepcion, he put the actor on the spot.

Talagang walang kagatol-gatol niyang tinanong ito kung willing siyang gawin ang reunion movie with Sharon Cuneta. Gusto kasi niyang siya ang mag-produce nito.

“Next year, is there a chance for that Sharon-Gabby (film)?” tanong ni Kris kay Gabby.

“‘Di ba sinabi ko na? I already answered you. When are we going to shoot? You didn’t even ask me that question but I knew it was coming,” sagot ng actor.

“If I text her and I say, you said that?” say ni Kris.

“Game. Matagal na akong go,” reply ni Gabby.

Matagal nang nabinbin ang much-awaited Gabby-Sharon movie. Ang chika, gusto raw kasi ng actor na pareho ang kanilang talent fee, bagay na hindi raw nagustuhan ng kampo ni Sharon. Ang katwiran naman ni Gabby, sa anak naman nilang si KC Concepcion mapupunta ang kanyang talent fee.

Read more...