I-text kay Madam Sophia (July 24, 2013)

Mula kay Abigail (…3207) Cagayan, De Oro City. November 16, 1990 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong November 16, 1990 ang isang Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, at 31.
>>>
Mula kay Michele (…3717) Baguio City. November 28, 1987 ang birthday ko. Kailan po ba ang favorable years ko para makapag-abroad?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong November 28, 1987, basta’t lagi ka lang magsuot ng paborable mong kulay na pula at dilaw, sa taong 2013, 2014 at 2015 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
>>>
Mula kay Ric (…9031) Malolos City, Bulacan. Gusto ko lang pong malaman kung compatible po ba kami ng girlfriend ko at kami na po ba ang magkakatuluyan? September 13, 1988 ang birthday ko at January 20, 1989 naman ang girlfriend ko?   
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 13, 1988 at January 20, 1989 naman ang girlfriend mo, walang duda, compatible kayong dalawa at kayo na nga ang magkakatuluyan.
>>>
Mula kay Honileyt O Lahay ng Mansayao, Mainit, SDN. January 4, 1997 ang birthday ko. Ano po ba ang zodiac sign ko at ano ang ibig sabihin ng zodiac sign kong ito?
Tugon ni Madam Sophia: Capricorn ang zodiac sign mo at ang ibig sabihin ng zodiac sign na Capricorn, pagkatapos ng mga pagsubok at mga matitinding problema sa buhay, saka ka palang uunlad at yayaman. Kaya sa sandaling dumating sa buhay mo ang mga pagsubok at problema, imbis na sumuko o umayaw, matuwa ka, sapagkat indikasyon ng nasabing mga problema na malapit na malapit ka ng magtagumpay at lumigaya.
 Laging ganon ang iyong tadhana. Problema muna at mga suliranin, ngunit paglipas ng problema at mga suliranin, malaking tagumpay at ligaya ang iyong aanihin.
 Walang iniwan sa autobiography na book na isinulat mismo ni dating Pangulong Marcos, “For every tear a victory.” Ganyang-ganya ang iyong magiging tadhana “sa bawat pagluha, ligaya at tagumpay ang magiging kasunod.”  
>>>
Mula kay Lenie Mae (…5272) ng Bacoor, Cavite. March 15, 1996 ang birthday ko. Ano ang magiging buhay, love life ko?
Tugon ni Madam Sophia: Nagtataglay ng mahina at magulong pagkatao ang birthday mong March 15, 1996, kaya posibleng magiging magulo rin ang love life mo. Par hindi mangyari sa buhay mo ang negatibong babala ng iyong zodiac sign, wag na wag kang kukuha ng boyfriend na istambay lang, hindi nakapag-aral o medyo addict. Karamihan kasi sa mga babaing isinilang sa una hanggang ikalawang linggo ng Marso, nagiging palpak ang pagpili nila ng magiging boyfriend at mapapangasawa, kaya ng bandang huli naging palpak at miserable din ang pamilyang napasukan nila hanggang sa magkahiwalay.
 Kaya nga tulad ng nasabi na, simpleng simple lang ang solusyon upang magkaroon ka ng isang maligaya at pang habang buhay na love life: “sa iyong pakikipag-boyfriend at pag-aasawa piliin ang lalaking edukado at may stable na career”. Sa ganyang paraan, sa love life at pagpapamilya, habambuhay kang magtatagumpay at magiging maligaya.

Read more...