Ellen gusto nang bumalik sa showbiz pero ayaw ni John Lloyd; nauwi sa matinding away

By Julie Bonifacio August 14,2019
share this

Ellen gusto nang bumalik sa showbiz pero ayaw ni John Lloyd; nauwi sa matinding away

By Julie Bonifacio August 14,2019
share this

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

TAHIMIK na si Bea Alonzo sa isyu nila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson. Pero ang kampo ni Julia Barretto tuloy pa rin ang arya especially her mom na si Marjorie Barretto and her tita Gretchen.

What a coincidence naman na pagkatapos ni Bea, sumambulat naman ang balitang naghiwalay na rin sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Senyales na kaya ito na dapat nang gumawa ulit ng pelikula si Lloydie with Cathy Garcia, for her last film bago siya lumipad papuntang New Zealand?

Balitang nagpunta sa Vietnam si JLC for soul-searching habang nagpakaligaya naman daw si Ellen sa Thailand with their son ang BFF Beauty Gonzalez.

Mahirap naman talaga kasi ang pinagdadaanan ni JLC if true ang balita na wala na sila ni Ellen. Mas masakit pa dahil may anak sila, si Elias. Pero ano nga kaya ang tunay na dahilan nang pag-iwan sa kanya ni Ellen?

Ayon sa aming source, bukod daw sa pagiging “weirdo” ni Lloydie na ‘di matanggap ni Ellen, may isa pang matinding dahilan ang madalas daw nilang pag-aaway.

Diumano, type ni Ellen na bumalik na sa showbiz. Pero tutol na tutol daw si John Lloyd sa plano ng aktres. Hindi naman siguro tutol si Lloydie kung bumalik sa showbiz si Ellen. Baka naman ang nais lang ng aktor ay huwag muna ngayon dahil baby pa si Elias.

More than anything else, mas kailangan pa si Ellen ni Elias at kahit ‘di naman siya mag-artista, kering-keri naman silang buhayin ni Lloydie.

Say naman ng aming source, “Bakit pa siya babalik? Meron ba siyang career na babalikan sa showbiz?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending