Birthday kahapon, Agosto 12, ni Marian Rivera.
The day before, nakatanggap na ng iba’t ibang regalo si Yan sa ipinost niya sa kanyang Instagram story.
May pa-cake and flowers siya mula sa family niya sa Sunday PinaSaya.
May idinispley pa siyang isang relo at iba pang gifts mula sa kanyang endorsements.
Napapansin ngayon ang pagsuot ng kakaibang klase ng damit ni Yan. Gamit kasi niya ang native weaves na tela kaya naman saludo sa kanya ang maraming netizens sa pagtangkilik at pasusuot ng sariling atin.
Samantala, nitong nakaraang Aug. 2 ang kaarawan ng asawa niyang si Dingdong Dantes at magkasama nila itong ipinagdiwang. Nagpunta sila sa Lake Caliraya at doon nag-picnic kasama ang dalawa nilang anak at ilang miyembro ng pamiya nila.
Sa pinic na ‘yon, inilabas muli ni Marian ang hubog ng katawan na kaakit-akit pa rin kahit dalawa na ang anak, huh! Of course marami ang humanga sa seksi pa ring body ng Kapuso Primetime Queen na kahit dalawang beses nang nanganak ay parang dalaga pa rin.
Happy, happy birthday, YanYan!