FEELING local citizen si Alden Richards habang naglilibot sa ilang magagandang tourist spots sa United Arab Emirates.
Nandoon ang Pambansang Bae para sa international screening ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye”.
Nagsuot si Alden ng tinatawag na Kandura, isang tradisyunal na kasuotan ng mga lalaki sa UAE at kanya itong ipinost agad sa kanyang Instagram account.
Pinusuan ng libu-libong netizens ang litrato ni Alden na halos lahat ay nagsabing napakagwapo niya sa suot na Kandura.
Bumisita ang Pambansang Bae sa Sheikh Zayed Grand Mosque at sa pagpunta niya rito ay may natutunan daw siya na hinding-hindi niya makakalimutan.
“Got to learn a little about the religion and culture,” caption ni Alden sa kanyang IG post.
“Praying to come back soon with my family when the weather’s cooler. Inshallah,” aniya pa.
Dahil summer ngayon sa UAE, gusto niyang bumalik doon kapag malamig-lamig na ang panahon.
Samantala, para naman sa mga fans ng dating ka-loveteam ni Alden na si Maine Mendoza, bisi-bisihan din ang dalaga sa kanyang showbiz events at mga business.
Naging busy din ang Sunday ni Maine para sa anibersaryo ng isa niyang global food chain sa Bulacan.