Bagyong Krosa mananatili sa labas ng PAR
NANANATILING maliit ang posibilidad na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Krosa.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology humina ang bagyo at mula sa typhoon category ay bumaba ito sa severe tropical storm category.
Kaninang umaga ang bagyo ay nasa layong 1,725 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng dulong bahagi ng Luzon.
Ang hangin nito ay umaabot sa 110 kilometro ang bilis at may pagbugso na umaabot sa 135 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras pa-silangan-hilagang silangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.