Mga sintomas ng denguena dapat mong bantayan

ILANG araw ka na bang nilalagnat, huwag iyang balewalain, at baka dengue na ‘yan.

Kaya dapat alisto ka sa mga sintomas na dapat mong bantayan para matiyak kung dengue ba ito o hindi.

Sa mga malumanay na kaso ng dengue ang mga karaniwang sintomas ay:

– Biglaang mataas na lagnat na umaabot sa 41°C

– Sakit ng ulo

– Sakit sa mata

– Sakit sa kasu-kasuan at kalamnan

– Pagkakaroon ng pantal

– Pagkahilo, pagsusuka at kawalan ng ganang kumain

– Lagnat na tumatagal ng halos isang linggo at pabalik-balik

Matapos ang inisyal na lagnat, nagkakaroon ng mas maraming seryosong sintomas ang pasyente na senyales ng tinatawag na dengue hemorrhagic fever.

Kinabibilangan ito ng:

– Senyales ng pagdurugo tulad ng namumulang patse na katulad ng mga pasa o kaya maliliit na pulang batik; pagdurugo sa ilong, bibig at gilagid; pagsusuka ng dugo at pagdudumi na sobrang maitim.

– Matinding sakit sa tiyan

– Senyales ng pag-kagimbal

Kapag mayroon na ng mga nasabing sintomas ng dengue fever, mapa-moderate na kaso pa lang ng dengue, maiging magpatingin na sa doktor.

622 — kabuuang bilang ng mga namatay sa dengue mula Enero hanggang July 20

146,062 — naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang July 20

98 % — mas mataas kumpara noong isang taon

23,330 — kaso ng dengue na naitala sa Western Visayas

16,515 — kaso ng dengue sa Calabarzon

12,317 — naman sa Zamboanga Peninsula

11,455 — sa Northern Mindanao

11,083 — sa Soccskargen

Source: DOH

Read more...