NOONG isang linggo idineklara ng Department of Health ang National Dengue Epidemic dahil sa dami ng kaso ng mga nasawi at patuloy na naoospital dahil sa nasabing sakit.
Ayon sa datos ng DOH, mahigit sa 622 na ang namatay dahil sa dengue, at halos nasa 147,000 na ang kaso na naitatala sa buong bansa mula Enero hanggang Hulyo. Ito ay higit na 98 porsyento na mas mataas kumpara sa kaparehas na mga buwan noong isang taon.
At dahil dito, mu-ling ipinaaalala ng DOH ang 4S Strategy para labanan ang paglaganap ng nakapi-pinsalang sakit.
Ang 4S strategy ay ang mga sumusunod: Searching and destroying mosquito breeding places; securing self-protection; seeking early consultation; and supporting fogging and spraying in hotspot places.
Ibig sabihin, una ay hanapin ang mga breeding places ng mga lamok at sa sandaling makita ito ay sirain sa pamamagitan nang paglilinis sa lugar nang mabuti.
Ang ikalawa ay i-secure ang sarili, na ang ibig sabihin ay dapat bigyan mo ng proteksyon ang iyong katawan at ang iyong pamilya. May mga anti-mosquito lotion na pwedeng ipahid, mga spray na environment-friendly at mga anti-mosquito patches.
Ikatlo, magpatingin kaagad sa doktor kung on and off ang lagnat. Hindi dapat ito ipagpaliban.
At ang huli panatilihin na palaging may fogging at spraying na ginagawa sa inyong lugar para mapuksa ang mga lamok.