Biglang pag-apir ni Angel sa ‘Kadenang Ginto’ trending


IBA rin talaga ang dating ni Angel Locsin.

Nag-cameo ang bida ng The General’s Daughter sa isang eksena sa Kadenang Ginto. Sumilip siyia sa room ni Daniela (Dimples Romana) kung saan naroroon sina Romina (Beauty Gonzalez), Carlos (Adrian Alandy) at ilang pulis. Kaagad ding umalis si Angel nang mapansin siya ng isang pulis.

With that, pinag-usapan ang cameo appearance ni Angel sa number one afternoon soap.

“Angel Locsin, the General’s Daughter, in Kadenang Ginto is the crossover I’m waiting to happen. Kadenang Ginto Cinematic Universe. #KGIpagtanggol.”

“Sa ABS lang may ganito pero kung sa kabila to kahit lahat ng artista pa nila lumabas o nag cameo man lang sa isang teleserye nila siguro di mapapag uusapan.”

“Syempre ang Angel ba naman ang nakasilip kahit ako nagtataka kasama ba sya sa cast? Akala ko nga dadalaw sya kay Daniela, yun pala nag passby lang! At saka favorite siya ng lahat, love na love sya ng lahat kaya kahit saan sya sisilip magiging trending.”

Read more...