Address ni Bela Padilla ipinagkalat ng Grab driver: ‘Hindi naman tama ‘yan!’

BELA PADILLA

NA-BAD trip ang Kapamilya actress na si Bela Padilla matapos mag-Grab car kamakailan.

Ibinahagi ng dalaga ang kanyang reklamo sa kanyang Twitter account nang ibandera umano ng Grab driver ang kanyang residential address sa mga kapwa nito driver sa pamamagitan ng radyo.

Tweet ng aktres, “Rode Grab today and the driver announced on the Grab radio where I live. This can’t possibly be right.”

Agad namang sumagot sa kanyang hinaing ang Grab Philippines at nangakong iimbestigahan agad ang insidente.

“Hi, Bela! We’re so sorry to hear about your experience. This incident shouldn’t have happened since we value every passenger’s safety and privacy. We sent you a DM to help move our investigation forward.

Thank you,” ayon sa Grab PH.

Ikinuwento rin ni Bela sa kanyang Instagram Live Session ang eksaktong nangyari sa pagsakay niya sa Grab car. Aniya, talagang galit na galit siya sa ginawa ng driver pero pinilit pa rin niyang magpaka-cool dahil hindi raw talaga siya confrontational na tao, “Parang na-sad na lang ako.”

Dahil daw sa nangyari, natatakot na siya para sa kanyang seguridad.

Grab Philippines has a strict policy, based on their website, about sharing passenger information, including phone numbers, addresses, and pictures.

Samantala, sasabak na anytime si Bela sa shooting ng “Miracle In Cell No. 7” na pagbibidahan nina Aga Muhlach at Xia Vigor at official entry ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Read more...