Ceasar Soriano producer, news anchor sa PTV4

CEASAR SORIANO

Natutuwa ang general manager ng People’s Network na si Julieta Lacza dahil bahagi ngayon ng PTV 4 ang movie producer at film director na si Ceasar Soriano.

“We are thankful that Mr. Ceasar Soriano is with us and that big production companies like Great Cezar are trusting PTV 4 with their programs” pahayag ni Lacza sa isang press conference kamakailan.

Ngayong Lunes ay launching ng Unlad Pilipinas, isang daily public affairs show mula Lunes hanggang Biyernes. Bukod dito, si Soriano rin ang producer ng dalawa pang shows sa governemtn network, ang Magandang Gabi Pilipinas tuwing Sabado, 5 p.m. at Isyu One on One, Linggo, 5 p.m.

Ang isa pang show na kaabang-abang ay ang Pamatong Pinoy, na isang nationwide talent search at mapapanood na sa September.

News anchor din si Cesar ng Ulat Bayan.

Read more...