Kilalang vlogger naranasan maging Heart Evangelista

HEART EVENGELISTA AT MIMIYUUUH

Trending sa social media ang hashtag at punchline ng sikat na vlogger na si Mimiyuuuh, ang “Love Marie, pray for us.”

Ito’y may koneksyon nga sa ginawa nilang kulit video blog nang magsama sila sa isang event. Dito, na-experience ni Mimiyuuuh ang buhay ni Heart sa loob ng isang araw.

Umabot na sa more than 400,000 views ang nasabing video. Isa sa mga highlights ng vlog ni Mimiyuuuh ay ang pagme-make up sa kanya ni Heart bago sila um-attend sa opening ng Bumgarner Studios sa Rockwell, Makati.

Hirit pa ng vlogger, “Nahawakan na ako ni Ms. Heart. Nafi-feel ko talaga ’yung essence ni Virgin Mary sa iyo, Ms. Heart.”

Bukod nga rito, patok na patok din sa netizens ang kanyang “Love Marie, pray for us.”

Read more...