Pagpapalabas ng pelikula ni Nadine ’wrong timing’

SAM CONCEPCION AT NADINE LUSTRE

Nakalulungkot naman ang kinahinatnan ng pelikulang pinagbibidahan ni Nadine Lustre. Kung bakit naman kasi isinunod agad sa pagpapalabas ng “Hello, Love, Goodbye” ang kanyang pelikula.

Alam naman ng kanyang produksiyon na namimiruya pa ng salapi ng bayan ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang second blockbuster week pero ipinalabas agad ang “Indak.”

Ano tuloy ang nangyari sa pelikula nila ni Sam Concepcion, sa halip na “Indak” ay “Sindak” ang ikinakambal sa titulo ng kanilang proyekto, sayang na sayang dahil magaling pa namang aktres si Nadine.

Nakalulungkot ding malaman na ang ibang sinehan ng “Indak” ay ibinigay pa rin sa “Hello, Love, Goodbye” na hanggang ngayo’y pinagpipistahan ng buong bayan ang ganda.

Sugal din ang kanilang tambalan ni Sam Concepcion na wala pa namang napatutunayan sa takilya, malakas si Nadine, pero nahirapan siyang buhatin ang kanyang leading man.

Kahit anong pelikula pa ang ipalabas pagkatapos ng pelikula nina Alden at Kathryn ay mamumutla talaga sa box-office. Walang lagnat ang bayan sa “Indak,” samantalang sa “Hello, Love, Goodbye” ay deliryo ang inaabot ng manonood sa malaking tagumpay nito, kaya matindi ang indultong inabot ni Nadine Lustre.

Read more...