Alden, Kathryn hindi kailangang lokohin ang publiko para kumita ang ‘Hello, Love, Goodbye’

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

DINAYO nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang international designer na si Maxi Cinco sa Dubai.
Nasa Dubai ang dalawa para sa international screening ng movie nilang “Hello, Love, Goodbye” na isa nang certified blockbuster movie dahil mahigit sa P400 million na ang kinikita nito sa takilya.

Sa Facebook page ni Cinco, inilabas niya ang picture nina Kathryn at Alden na kuha sa loob mismo ng kanyang shop. May isa pang litrato ang aktres habang sinusukatan siya ni Michael.

Anyway sa mga photo na naglabasan habang nasa ibang bansa ang dalawa, kita ang respeto ng Pambansang Bae kay Kathryn dahil hindi nito sinamantala ang pagkakataon para maging sweet-sweetan sa harap ng mga fans.

Puwede naman silang maglambingan in public para kiligin ang mga fans pero never ‘yun ginawa ng Kapuso heartthrob dahil alam niyang may Daniel Padilla na ang kanyang leading lady, huh!

And we believe na hindi na nila kailangang magpaka-sweet para lang panoorin ang kanilang movie dahil sapat na ang ganda ng “Hello, Love, Goodbye” at ang kanilang akting para mag-enjoy ang mga manonood.

Read more...