‘Sahaya’ sunud-sunod ang pasabog; Miguel, Bianca may pa-surprise para sa BiGuel fans

BIANCA UMALI AT MIGUEL TANFELIX

Siguradong masa-shock ang Kapuso viewers sa mga susunod na pasabog ng GMA Telebabad series na Sahaya starring Bianca Umali and Miguel Tanfelix.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, mas lalo pang titindi ang galit ni Irene (Ana Roces) sa kanyang asawang si Harold (Zoren Legaspi) pati na kina Manisan (Mylene Dizon) at Sahaya (Bianca).

Hindi siya titigil hangga’t hindi nawawala sa buhay nila ni Harold ang mag-inang Manisan at Sahaya.

Tuloy ang pagsasanib-pwersa nila ni Salida (Snooky Serna) para mabura na sa mundo ang dalawang hadlang sa kanilang mga plano.

Handa namang gawin ni Harold ang lahat para maprotektahan ang kanyang mag-ina pero hanggang kailan nga niya maipagtatanggol sina Manisan at Sahaya sa mga kaaway? Paano kung mas lalo lang mapahamak ang dalawang babaeng pinakamamahal niya nang dahil sa kanya?

Samantala, paano naman makakatulong si Ahmad (Miguel) sa mga bagong problema ni Sahaya ngayong meron din siyang sariling issue sa buhay?

Patuloy na subaybayan ang Sahaya sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Read more...