Kris kinilig sa ‘wrong send’ text message ng isang anak-anakan

KRIS AQUINO

Aliw na aliw ang followers ni Kris Aquino sa Instagram nang i-share niya ang “wrong sent” message ng isang taong malapit sa kanya.

Ipinost ng Queen of All Media ang screenshot ng nasabing mensahe. Sey ng nag-message sa kanya: “Babe? Call me love?” Na sinagot ni Kris ng, “Pssstt na text mo ko! ‘Babe? call me love?’ Si Ate Kris ito.”

Sagot naman sa kanya, “Ay!!!” Reply naman ni Tetay, “Kalurx. Post ko to!!!”

“Sorry ate! Hahahaha! Antok na ako!!” ang hiyang-hiyang sagot naman ng kanyang ka-text.

At ipinost nga ito ni Kris sa IG with this caption, “There’s enough negativity. Both telecoms have reached out to me and i am taking the advice of some of my followers, we’ll go prepaid… only leaving the FEEL GOOD, wrong send text.

“Because we all deserve to have a BABE, who will call us LOVE. And love us THROUGH THE YEARS. #kiligwins.”

Marami ang nanghula na si Kim Chiu raw ang kapalitan ng mensahe ni Kris at ang message na ipinadala sa kanya ay para sa boyfriend nitong si Xian Lim.

Read more...