MARAMING nakakaalam kung paano ginamit bilang love on the rebound ng isang pamosong aktres ang isang popular na aktor.
Nangyari ‘yun ilang taon na ang nakararaan nang masaktan nang todo ang babae sa pag-aasawa ng kanyang kinalolokohang male personality.
Sobra-sobra ang pagkagusto ng female personality sa guy, pero may karelasyon ito, na nauwi nga sa isang biglaang kasalan.
Kuwento ng aming source, “Para siyang pinagtakluban ng langit at lupa nu’ng malaman niya mula sa isang friend niya na nagpakasal na pala ang male personality na hinahabul-habol niya.
“Napakasakit nu’n para sa kanya dahil sikat nga naman siya, samantalang ang pinakasalan nu’ng lalaking type na type niya, e, napakaordinaryo lang naman ang itsura at hindi pa kilala sa lipunan.
“Sa sobrang sakit ng loob niya, e, nagmukmok siya sa kuwarto, umiyak nang umiyak, sobrang tindi ng tama sa kanya ng pagpapakasal ng guy na sikat na sikat sa sarili niyang linya nu’ng mga panahong ‘yun!” unang chika ng aming impormante.
Kinabukasan ay naka-schedule ang shooting ng female personality sa isang subdivision. Ang leading man niya ay isang aktor na guwapo, kilalang-kilala, pero hiwalay sa asawa.
Patuloy ng aming source, “Nakakaloka ang ginawa ng girl! Ginawa niyang pamasak-butas ang male personality na ‘yun! Talagang gumawa siya ng paraang maging sila sa mismong araw na ‘yun!
“Hindi kayo nagkakamali ng dinig at basa, that same day nga! Isang araw pa lang ang nakararaan, e, nag-uumiyak siya, humahagulgol siya, dahil ikinasal ang male personality na iniilusyon niyang makarelasyon, pero hindi naman siya pinatulan!
“Di ba naman, napakalinaw na love on the rebound ang ginawa ng girl? At pumayag naman ang guy na ginamit niya, naging sila mismo nu’ng araw na magkita sila sa shooting!
“Naku, magkakasama na naman pala sila ngayon dahil umayaw ‘yung male personality sa pelikulang pagsasamahan nila ng female personality!
“Alam na! Siguradong bubuhayin na naman ng female personality ang nakaraan nila ng guy, hindi puwedeng hindi, mahilig bumuhay ng mga nakaraan niyang relasyon ang daldakinang babaeng ito!” pagbibigay pa ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hinding-hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.