Donita Nose balik-Wowowin: Utang ko lahat kay Wil

WILLIE REVILLAME AT DONITA NOSE

Tuwang-tuwa ang studio audience ng Kapuso game show na Wowowin nang muling umapir si Donita Nose bilang co-host ni Willie Revillame.

Nakilala ni Donita Nose ang iba pang kasamahan ni Kuya Wil sa show na sina Almira Teng, Elaine Timbol at Sexy Hipon Herlene Budol.

Aniya, pareho raw sila ni Hipon Girl na contestant lang sa show at kinuhang co-host ni Willie, “Naglaro ako sa ‘Willie of Fortune,’ tapos kumanta kami ni Jonalyn Viray. Nagustuhan mo ako nu’n. Pinabalik mo ako tapos kinuha mo na ako.”

“Sobrang mahal ko si Wil. Talagang lahat ng nangyayari sa akin, it’s because of Mr. Willie Revillame. Wala akong ibang pagkakautangan ng loob kundi siya talaga. Kasi hindi naman ako magkakaroon ng projects sa GMA without him bringing me here in Wowowin,” pahayag pa ng TV host-comedian.

Read more...