Diether Ocampo Lieutenant Commander na ng Coast Guard Auxiliary

ISA na ngayong Lieutenant Commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary ang aktor na si Diether Ocampo.

Habang wala palang pinagkakaabalahang proyekto sa telebisyon at pelikula si Diet ay nagamit niya ang kanyang oras at panahon sa makabukuhang mga adbokasiya.

Mula nang maging bahagi ng PCGA, ilang beses nang nagparticipate si Diet sa mga aktibidad ng organisasyon, including orientations, conventions, trainings and seminars, and outreach-charity activities.

At bukod nga sa pagiging officer ng Philippine Coast Guard Auxiliary sumasailalim na rin ngayon si Diether sa seafarer training.

Sa isang video na ipinost sa Facebook ng Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training na may titulong “Sea of Stories series,” mapapanood ang interview sa aktor bilang isa sa mga maritime advocate sa bansa.

Nagdesisyon si Diet na mag-undergo sa maritime training sa ilalim ng PHILCAMSAT para magkaroon ng basic knowledge tungkol sa mundo ng mga marino. Dito una niyang nalaman kung gaano kahirap ang ginagawang trabaho at sakripisyo ng mga seafarers magawa lang ang kanilang trabaho.

“Masarap na maging bahagi ng isang industriya na naging malaki ang kontribusyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami tayong kababayan na hindi nabibigyan ng pansin,” ani Diether sa video.

Pagpapatuloy pa niya, “Paano nga ba maging isang marino? Mahirap ba o madali? Parang laging sumasagi sa isipan ko na sa bawat oras na lumilipas na iniiwan nila ang kanilang pamilya, sa bawat araw na lumilipas na kailangan nilang pagdaanan ang lahat ng unos, bagyo, disgrasya, apoy, lahat na, kailangan nilang malagpasan lahat nang ito.

“Nakilala ko lalo kung sino ako. Nakilala ko ang mga Pilipino, nakilala ko kung gaano kayaman ang Pilipinas pagdating sa tao. Kaya nagdesisyon ako na mas mabuti pa siguro na pasukin ko ang mundo ng seafarer,” aniya pa.

Huling napanood si Diet sa Kapamilya series na Bagani starring Enrique Gil and Liza Soberano.

Read more...