INIREKLAMO ni Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson and Assistant Secretary Celine Pialago ang news reporter at radio anchor na si Doris Bigornia.
Nagpadala na ng official complaint si Pialago kay ABS-CBN News and Current Affairs Division Head Ging Reyes para isumbong ang ginawang pananakit umano sa kanya ni Bigornia at ang pagpapakalat daw nito ng tsismis tungkol sa kanya.
Ayon sa dati ring reporter ng RPN 9, sinaktan siya ni Bigornia nang magkita sila minsan sa Makati City Hall. Aniya, “I accidentally bumped into Ms. Bigornia. I apologized to her but instead she struck me and kept shouting at me as if I deliberately did it.”
Ilang beses din daw siyang hiniya at nilat ng Kapamilya news reporter, “During a press conference she shouted to her camera operator, Si GM lang kukunan mo sa frame wag mo isama yang katabi niya.’”
Ayon pa sa reklamo ni Pialago, “She was backstabbing me, saying my nose is fake, my body is fake, and everything about me is fake and that is totally below the belt.”
Tinangka pa raw ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ayusin ang problema ng dalawa pero ayon umano kay Bigornia, hindi nag-e-exist para sa kanya si Pialago.
Wala raw idea si Pialago kung bakit tila galit ma galit sa kanya si Bigornia.
Kasabay ng kanyang ipinadalang reklamo, nakiusap din sa ABS-CBN management si Pialago na kung maaari ay palitan na si Bigornia ng ibang reporter para mag-cover sa MMDA beat.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang news department ng ABS-CBN hinggil sa issue. Bukas naman ang pahinang ito sa anumang magiging paliwanag ni Bigornia.