Duterte idineklara ang Agosto 12 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha

PORMAL nang idineklara ni Pangulong Duterte ang Lunes, Agosto 12, 2019 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha.

Pinirmahan ni Duterte ang Proclamation number 789 kaugnay ng pagdedeklara ng Lunes bilang regular holiday sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ito’y base ba rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.

“The Office of the President hopes that with such declaration, our Muslim brothers and sisters can properly observe and enjoy the Feast of Sacrifice with their loved ones,” sabi ni Panelo.

Read more...