Julia sunog na sunog sa socmed: Team Bea for the win!


MARAMING humanga sa katapangan ni Julia Barretto matapos nitong pakainin ng maaanghang na salita si Bea Alonzo sa pamamagitan ng social media.

Pero mukhang mas marami pa rin ang nam-bash sa kanya nang maglitanya siya tungkol sa pagkakadamay niya sa break up nina Bea ay Gerald Anderson.

Talagang sunog na sunod ang aktres sa mga tinanggap na comments mula sa Team Bea.

Hindi kasi nagustuhan ng mga netizens ang ginawang panenermon ni Julia kay Bea na anito’y isang malinaw na pambu-bully sa kanya. At hindi na raw siya papayag na maging biktima ng ex ni Gerald kaya nagsalita na siya.

‘Yun nga lang, walang denial na inilabas si Julia tungkol sa balitang nanliligaw sa kanya si Gerald o kung dyowa na niya ang aktor.

Aniya, anuman ang kanyang gawin sa personal at lovelife niya ay wala nang pakialam ang publiko, huh!

Sa araw na naglabas ng pahayag si Julia na pinagpipistahan ng entertainment sites at mga vlogs, hayun si Gerald at naglalaro ng basketball MPBL para sa Imus team.

Maglabas din kaya ng pasabog si Bea bilang sagot sa matapang na statement ni Julia? O, hahayaan na lang niya itong makalimutan ng mga tao.

Sa isang banda, kinampihan naman ni Gretchen Barretto si Bea base sa inilabas niyang post sa Instagram.

“TEAM BEA for the win,” saad ni Gretchen bilang reaksyon sa pagkaka-tag sa kanya ng isang netizen sa Twitter na hindi nagustuhan ang statement ni Julia.

Mas nakakaloka ang kasunod na tweet ni La Greta, “THE FACT THAT HEY HIRED A GHOST WRITER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT.”

Palala na nang palala ang Bea-Julia-Gerald scandal, huh!

Read more...