Inflation rate bumaba

BUMABA sa 2.4 porsyento ang inflation rate ng bansa noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ito ang pinakamababang inflation rate mula noong Enero 2017 at kapantay ng naitala noong Hulyo 2017.

Noong Enero ang inflation rate ay 2.7 porsyento at noong Hulyo 2018 ay 5.7 porsyento.

Ang pagbaba ay bunsod umano ng mababang itinaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages.

Ang pinakamaliit na inflation rate ay naitala sa Central Visayas (Region VII) na umabot sa 1.1 porsyento. Ang pinakamataas naman ay sa MIMAROPA (Region IV-B) na 4.9 porsyento.

Ang inflation rate ay ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nang manungkulan ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2016 ang inflation rate ay 1.3 porsyento. Ang pinakamataas na naitala sa kasalukuyang administrasyon ay 6.7 porsyento noong Setyembre at Oktobre 2018.

Ngayong taon ang pinakamataas na inflation rate ay 4.4 porsyento na naitala noong Enero.

Read more...