UMABOT sa P6.38 bilyon ang ginastos sa basura ng 16 siyudad at isang bayan sa Metro Manila noong 2018.
Mas mataas ito ng P870.19 milyon sa P5.514 bilyong ginastos noong 2017 batay sa Maintenance and Other Operating Expenses ng mga lokal na pamahalaan.
Ang Quezon City ang may pinakamalaking ginastos na umabot sa P1.615 bilyon. Noong 2017 ang ginastos nito ay P1.129 bilyon.
Sumunod naman ang Manila City na tumaas sa P610.23 milyon ang ginastos mula sa P572.013 milyon.
Bumaba naman ang gastos ng Muntinlupa City at mula P257.83 milyon noong 2017 ay naging P242.63 milyon lamang noong nakaraang taon. Gayundin ang Parañaque City na bumaba sa P410.913 milyon mula sa P416.729 milyon.
Narito ang listahan ng gastos sa basura ng mga siyudad sa Kamaynilaan:
2018 2017
1. Quezon City P1.615 bilyon P1.129 bilyon
2. Manila P654.658 milyon P604.997 milyon
3. Caloocan City P610. 23 milyon P572.013 milyon
4. Makati City P533.297 milyon P418.515 milyon
5. Taguig City P463.806 milyon P436.769 milyon
6. Pasig City P411.368 milyon P379.725 milyon
7. Parañaque City P410.913 milyon P416.729 milyon
8. Pasay City P381.084 milyon P380.094 milyon
9. Mandaluyong City P294.537 milyon P210.669 milyon
10. Muntinlupa City P242.634 milyon P257.833 milyon
11. Marikina City P178.734 milyon P147.657 milyon
12. Valenzuela City P170.626 milyon P165.425 milyon
13. Las Piñas City P141.19 milyon P134.07 milyon1
14. Malabon City P118.07 milyon P116.991 milyon
15. San Juan City P93.459 milyon P86.4 milyon
16. Navotas City P46.367 milyon P43.188 milyon
17. Pateros P17.64 milyon P13.466 milyon.