Kapatid ni Julia rumesbak sa bashers; nilaglag si Joshua | Bandera

Kapatid ni Julia rumesbak sa bashers; nilaglag si Joshua

Bandera - August 07, 2019 - 12:55 AM

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

FEELING ng fans and followers ni Joshua Garcia ay nilaglag ng kapatid ni Julia Barretto na si Danni Barretto ang Kapamilya actor sa ginawa nitong pagresbak sa mga basher.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang screenshots ng umano’y pakikipagpalitan ni Dani ng mensahe sa isang netizen kung saan ipinagdiinan nito na walang ginawang kasalanan ang kanyang younger sister.

May isang Twitter user (@Maycabellss) kasi ang nag-comment sa umano’y pagsosolo ni Joshua sa naganap na after-party ng “ASAP Natin ‘To Bay Area” show na ginanap sa San Francisco, California nitong weekend.

Sey ng netizen, “Sino ba naman kasing tao ang gusto pa makasama yung taong nanakit sa kanya? Kahit ako eh mas gusto ko na mag isa kesa makasama yung nanakit sakin at magpanggap na okay.”

Hindi ito pinalampas ni Dani at nagkomento ng, “Oh let me correct myself. Nakarinig ba kayo ng paninira galing sa kapatid ko the first time he cheated on her too?

“Oh hindi mo alam yun noh? Marami kasi kayong hindi alam. Kaya manahimik na lang kayo.”

Sinundan pa ito ni Dani ng tweet na, “Let me just clear this sh***t before I sleep and pray for the dark souls of these bashers.

“Tigil tigilan niyo ng gumawa ng kwento utang na loob. If hindi kayo maka intindi ng English, WAG KAYO MAG IMBENTO.

“This is the translation in TAGALOG of my tweet earlier. Ang ibig sabihin niyan sa tagalog, MAY NARINIG DIN BA KAYO SA KAPATID KO NUNG NAG-CHEAT SI JOSHUA THE FIRST TIME.”

May isa namang netizen ang nag-react ng, “Kakampi niyo siya hindi siya kaaway,” na ang tinutukoy nga ay si Joshua. Ito naman ang reply sa kanya ni Dani, “Okay. If that’s what you think, I’m not going to burst your bubble. Go believe whatever you want to believe. I don’t care. But leave my sister out of it.

“Its not fair that you’re sympathizing someone who doesn’t deserve it. Its not fair.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal noong nakaraang taon ang pagkalat ng screenshots ng umano’y pakikipagpalitan ng mensahe ni Joshua sa isang female fan. Hindi ito nagustuhan ng JoshLia fans at inakusahan ang aktor ng pagiging two-timer dahil balitang girlfriend na niya that time si Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending