SUSUBUKAN muna ni Ai Ai delas Alas ang implant ng nabuong embryo sa kanyang uterus bago siya mag-resort sa surrogacy.
Ito ang gagawin ng Kapuso TV host-comedienne para mabuntis dahil next year ay pahinga muna siya sa showbiz para makabuo na sila ng baby ng asawang si Gerald Sibayan.
“Healthy naman ako kaya alam kong kakayanin. Mabait ang Diyos kaya alam kong magiging successful,” pahayag ni Ai Ai sa pocket presscon ng upcoming movie niyang “And Ai Thank You” mula sa direksyon ni Joven Tan.
Ibinahagi ng Comedy Queen na excited na ang kanyang mga anak sa pagkakaroon nila ng baby ni Gerald.
Anyway, kasama ni Ai Ai sa bagong movie niya si Rufa Mae Quinto at magsisimula na rin siya sa shooting ng pelikula niya sa Regal Films na “D’Ninang.”
MOST READ
LATEST STORIES