Tubig sa Angat Dam, La Mesa Dam tumaas

PATULOY ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat at La Mesa dam, ayon sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Pero malayo pa ito sa normal high water level.

Kaninang umaga ang tubig sa Angat ay 169.26 metro umakyat ng 0.93 metro kumpara sa 168.33 metrong lebel nito noong Lunes ng umaga.

Ang normal operating level ng Angat ay 180metro at ang normal high water level nito ay 210metro.

Ang tubig naman sa La Mesa dam ay umakyat ng 0.24 metro at kahapon ng umaga ay 75.58 metro ito. Ang NHWL nito ay 80.15 metro.

Ang Angat at La Mesa dams ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig ng Metro Manila at mga karatig na probinsya.

Read more...