KOREAN word of the week: “Jahmkkanman” – Sa Ingles nangangahulugan ito ng “wait a minute.” Sa atin naman ay “hintay” o “sandali lang.”
***
Inaasahan na ng mga Korean drama fans ang pagsisimula ng bagong Korean romcom series ng sikat na actress na si Kim So Hyun, ang Love Alarm.
Makakasama ni So Hyun dito sina Jung Ga Ram at Song Kang. Kuwento ito ng tatlong magkakaklase na maiipit sa love triangle dahil sa app na Love Alarm.
Nagbibigay ang app ng notification sa bawat gumagamit nito kung may malapit kang secret admirer.
Kabilang sa mga naginh Korean series ni So Hyun ang Moon Embracing the Sun (2012), Who Are You: School 2015 (2015), Hey Ghost, Let’s Fight (2016), The Emperor: Owner of the Mask (2017) at Radio Romance (2018).
Napanood naman si Ga Ram sa Standby (2012) at Mistress (2018) habang ang rookie actor naman na si Song Kang ay napanood sa The Liar and his Lover (2017).
***
Mapapanood na ang Love Alarm sa Netflix ngayong Agosto, 2019.
Bida naman sa ongoing Korean drama ang aktor na si Yoon Kyun Sang na gaganap bilang guro at abogado sa Class of Lies.
Umiikot ang istorya sa karakter ng bidang si Kim Moo Hyeok (Kyun Sang), isang lawyer na may mataas na winning rate ngunit bumagsak ang career dahil sa isang high school murder case.
Para maibalik ang nadungisang reputasyon, papasok siya sa school at magiging temporary teacher para malaman ang lihim tungkol sa kaso.
Dito niya makikilala ang love interest niyang si Keum Sae Rok bilang si Teacher Ha So Hyun.
Kabilang sa mga sumikat na drama ni Kyun Sang ang Pinocchio (2014), The Doctors (2016), Six Flying Dragons (2015) The Rebel (2017) at Clean with Passion for Now (2018).
Napanood naman si Keum Sae Rok sa The Fiery Priest (2019) at Shall We Live Together (2018).
Nagsimula nang umere ang Class of Lies at inaasahang tatagal ang KDrama series na ito hanggang sa Setyembre.