MAGSISIMULA na pala ang shooting para sa second season ng Bagman ni Arjo Atayde para sa iWant na ididirek ni Shugo Praico produced ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment.
Kaya naman sumasakit na ang ulo ng namamahala sa karera ng aktor dahil sa sobrang hectic ng schedule nito.
Tuwing M-W-F kasi ang taping ng The General’s Daughter ni Arjo na gumaganap bilang si Elai na malapit nang malaman kung sino talaga ang tunay niyang ama (Emilio Garcia), na mayor ngayon ng kanilang bayan.
At kung hindi kami nagkakamali, baka T-TH-S naman ang taping ng Bagman. Sa madaling salita lagare na naman ang aktor kaya saan pa niya isisingit ang shooting ng pelikulang malapit na niyang simulan?
Pero nalaman namin na hindi na pala talaga kakayanin ni Arjo ang sumegue sa inalok sa kanyang pelikula dahil parehong matindi ang karakter na ginagampanan niya sa TGD at sa Bagman – isang may autism at gobernador ng lalawigan.
Kaya ang sunod naming inalam, paano na ang pelikulang “Miracle in Cell No. 7” na entry ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival?
Nag-look test na kasi siya para sa nasabing proyekto at talagang excited na siyang makatrabaho si Aga Muhlach.
“Hindi na po. Problema po sa schedule niya,” sabi ng handler ng aktor na si Lulu Romero.