Naganap nitong nagdaang Linggo ang bonggang part 2 ng Big Night sa AATF Sports Complex, Cavite. Nakasama sa pag-announce sa pangalan ni Yamyam ang past winners ng PBB.
Nakakuha si Yamyam ng pinakamataas na boto mula sa madlang pipol (58.52%) na nag-akyat sa kanya bilang last man standing sa PBB Otso.
Humakot ng bonggang premyo ang binata kabilang na ang P2 million cash, condominium unit, water refilling station business (worth P800,000), at travel package (worth P300,000).
Grabe ang iyak ni Yamyam nang isigaw na ang kanyang pangalan bilang big winner sa edisyong ito ng PBB. Bukod sa mga host ng programa, winelkam din siya ng mga former Big Winners kabilang na sina Nene Tamayo (Adult Edition season 1), Keanna Reeves (Celebrity Edition season 1), Ejay Falcon (Teen Edition Plus), Melai Cantiveros (Double-Up), Myrtle Sarrosa (Teen Edition 4), Daniel Matsunaga (All-In), and Jimboy Martin (737 Teen Edition).
Samantala, si Kiara Takahashi, ang Singing Surfer ng La Union mula sa batch four, ang second big placer. Naiuwi niya ang premyong P500,000 at condominium unit.
Ang Third Big Placer naman ay mula rin sa batch 2, ang Rampa Sister ng Mandaluyong na si Lou Yanong na nakapag-uwi ng P300,000. The Amazing Alo-Hunk ng Hawaii from batch two pa rin na si Andre Brouillette ang Fourth Big Placer at nanalo ng P200,000.
Bago ang Big Night last Sunday, ibinandera ang fifth to eight big placers, ‘yan ay sina Kaori Oinuma, Ashley del Mundo, Lie Reposposa at Fumiya Sankai. Lahat sila ay nakatanggap ng P100,000 each. Ang PBB Otso ang tinaguriang longest edition ng Pinoy Big Brother.