3 Kapuso star maglalaban-laban sa 2019 Miss World PH

MEGAN YOUNG

Tatlong Kapuso actress ang magpapatalbugan sa kagandahan, kaseksihan at katalinuhan sa 2019 Miss World Philippines pageant.

Pasok sa listahan ng official candidates ng Miss World PH ngayong taon sina Michelle Dee, Kelley Day at ang datinmg child star na si Isabelle de Leon.

Present ang tatlong dalaga sa final screening ng competition na talagang tinutukan ng members ng media at photographer na dumalo sa event.

Michelle was given the number 31, 25 naman si Kelley habang 23 si Isabelle. They will be competing with the other official candidates for the Miss World Philippines title, at ilan pang titulo tulad ng Reina Hispanoamericana, Miss Eco International at Miss International.

Si Michelle Dee ay anak ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez at ng dating aktor na si Derek Dee habang si Kelley Day naman ay dating Kapamilya star na lumipat sa GMA at na-link din kay Inigo Pascual.

Si Isabelle naman ay nagsimula bilang child star at nakilala nang husto sa 2003 award-winning film na “Magnifico” kasama si Jiro Manio. Tumatak din sa manonood ang karakter niya bilang anak ni Vic Sotto sa Kapuso sitcom noon na Daddy Di Do Du.

Ang iba pang Kapuso stars na nag-join sa nasabing pageant ay sina Megan Young (na nanalong Miss World), Winwyn Marquez at Thia Thomalla.

 

Read more...