Tanong ng madlang pipol: True ba, John Lloyd hiniwalayan na ni Ellen? | Bandera

Tanong ng madlang pipol: True ba, John Lloyd hiniwalayan na ni Ellen?

Ervin Santiago - August 05, 2019 - 08:27 PM

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

Kalat na kalat na ngayon ang chika na naghiwalay na umano sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Maraming fans si John Lloyd ang nagtatanong kung totoo ang kumakalat na balitang si Ellen daw ang nakipaghiwalay sa aktor dahil bigla na lang daw nawala ang pagmamahal sa kanya ng dating sexy star.

Ito raw ang dahilan kung bakit nagbakasyon muna si Ellen sa Bangkok, Thailand kasama ang kaibigang si Beauty Gonzalez. Nais muna raw makapag-isip-isip ng aktres na malayo kay Lloydie.

In fairness, hanggang ngayon naman ay wala pang diretsong pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, kahit nga ang pagkakaroon nila ng anak ay hindi pa rin nila diretsong inaamin sa madlang pipol.

Siyempre, may mga loyal supporters si JLC na nalungkot sa balita at nagsabing sayang naman daw ang ipinaglaban ng aktor kung mauuwi lang din sa wala ang nasimulan nila ni Ellen.

Pero kung totoo mang naghiwalay na nga sila, sana’y maging responsable pa rin silang mga magulang kay Baby Elias na nag-celebrate na nga ng kanyang first birthday last June 27. Sabi nga ng isa nilang supporter, kung kaya pa namang ayusin ang kanilang mga problema, gawin nila para maprotektahan din ang anak.

Ang tanong, magsalita na nga kaya sina Lloydie at Ellen tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, o patuloy na lang silang magiging dedma sa lahat ng isyung ikinakabit sa kanilang pagsasama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending