LUMAKAS ang bagyong Hanna habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa tropical storm category ang bagyo mula sa tropical depression.
Umaabot ang bilis ng hangin nito sa 85 kilometro bawat oras at pagbugsong 105 kilometro bawat oras.
Kaninang umaga ito ay nasa layong 875 kilometro sa silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Umuusad ito ng 15 kilometro bawat oras patungong hilaga-hilagang kanluran.
Sa Biyernes ng umaga ay inaasahang nasa labas na ng PAR ang bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES