Julia sumabog na: Bakit kasalanan ko na naman? Walang kumawawa kay Joshua

TALAGANG na kay Joshua Garcia ang public sympathy no matter what Julia Barretto explained kung bakit solo ang binatang kumakain sa after party ng ASAP concert sa USA recently.

Marami ang naawa when a photo of Joshua na kumakaing mag-isa surfaced on social media.  Ang magdyowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nag-join kay Joshua.

Marami ang nam-bash kay Julia for that. Pinbabayaan daw niyang mag-isang mag-dinner ang actor. But this did pricked Julia who went to social media to explain her side.

Actually, burado na ang statement niya sa kanyang Twitter. Nakuha lang namin ito sa isang popular website.

“I did not leave Joshua alone.  He opted & requested to be left alone. He asked to eat and mingle alone. Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit na naman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to? Wala kumawawa sa kanya.

“Masyado nag eenjoy tao gawin kawawa si Joshua sa lahat ng bagay, kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story.  Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night. Wala sila lahat alam.”

That was Julia’s explanation. It is quite baffling to us kung bakit ura-urada ay nagpaliwanag agad si Julia, eh, ang mas bigger issue ay ang pagkakasangkot niya sa Gerald Anderson-Bea Alonzo break-up na until now ay hindi niya masagot-sagot.

Read more...