Gov’t exec nais nang ipetisyon dahil sa kapalpakan

DA who ang isang go-vernment official na nais nang ipetisyon ng mga miyembro ng media dahil sa kanyang kapalpakan?

Nitong nakaraang linggo, sunod-sunod na malalaking balita ang bumungad sa bansa, na ikinagulat ng lahat, bagamat ang unang nasorpresa ay ang mga mamamahayag na nakatalaga sa partikular na ahensiya ng gob-yerno.

Una kasing pumutok ang unang malaking balita na halos hatinggabi na, na bagamat naihabol pa sa mga online media ay napakaatrasado naman para sa mga print media.

Ang ikinagulat ng mga mamamahayag, pinaghandaan naman ang anunsyo, bagamat hindi na ito maihahabol para sa mas mayorya ng mga reporter.

Ilang araw makalipas ang napakalaking pahayag, muling bumungad sa mga mamamahayag ang napakalaking anunsyo ng opisyal, bagamat ito ay napaka-atrasado na rin.

Dahil halos lahat ng mga print media ay nakapagsara na ng balita, ilang malalaking diyaryo na lamang ang nagdesisyong ihabol ang pahayag.

Pumalag naman ang mga mamamahayag sa nagiging istilo ng opisyal.

Nitong mga nakaraang araw, ilang miyembro na ng organisasyon ang nanawagang ipetis-yon na ang ginagawa ng opisyal.

May mga nagsulong na gumawa na ng opisyal na manipesto para tawagan ng pansin ang ginagawa ng government e-xecutive.

Bukod kasi sa sunod-sunod na pangyayari, maraming beses nang laging huli ang pagtugon ng opisyal sa maraming isyung ipinapadala sa kanya para bigyan niya ng reaksyon o kumpirmas-yon.

May pagkakataon din na mas nauuna pang pumutok ang isang balita sa ibang ahensiya ng gobyerno imbes na magmula sa opisyal na siyang itinalaga para rito.

Naikukumpara rin madalas ang government executive sa kanyang pinalitan kayat kadalasan ay hindi maiwasan ng ilan na magkomento na dapat ibalik na lamang ang da-ting nakaupo sa kanyang posisyon.

Gusto nyo ba ng clue? Mukhang hindi na kailangan dahil kilalang-kilala nyo ang tinutukoy ko.

Read more...